Open 24/7: Baby no more!

Maging happy kaya si Doe sa pagbisita ng isang kamag-anak niya sa episode ng 'Open 24/7' ngayong Sabado ng gabi. (Bruce Roeland)?
Makikilala na ng team ni Boss E.Z. (Vic Sotto) ang ate ng guwapong binata na si Daisy (Denise Barbacena).
Ulirang kapatid si Ate Daisy na siyang nagpalaki sa ating “orb” habang nagtatrabaho sa barko ang kanilang nanay.
Pero mukhang maasiwa si Doe kay Daisy na palaging nakaaligid sa kaniya at kung tawagin siya nito sa palayaw niya na 'Abudingding' sa harap pa mismo ng mga kaibigan niya.
Magkaroon kaya ng lamat ang relasyon ng magkapatid?
Tutukan ang mangyayari sa paboritong sitcom ng bayan na Open 24/7 sa oras na 9:30 p.m., pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman) ngayong May 18.




