TV

'Owe My Love,' trending sa world premiere

By Cherry Sun

Trending ang rom-com series na Owe My Love na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Benjamin Alves sa world premiere ng programa kagabi, February 15.

Talagang pinag-usapan ang pilot episode ng Owe My Love, at ang hashtag nito ay umabot hanggang fourth spot sa Twitter.

Wika ni Lovi, “Anong sabi ng Yellow Ranger costume ni Sensen? Trending tayo kagabi! Thank you for watching our Pilot last night! Mamaya ulit! Ravaaaan!”

Dagdag din ng aktres sa pamamagitan ng kanyang Instagram story, “Thank you for watching! Our pilot episode is trending 'cause of you guys! Umpisa pa lang 'yan! We're just getting warmed up.”

Inulan din ng papuri ang post ni Benjamin sa Facebook.

Ano ang paborito n'yong eksena mula sa pilot episode ng Owe My Love?

Samantala, kilalanin ang characters ng Owe My Love sa gallery sa ibaba: