TV

WATCH: Funniest 'Owe My Love' behind-the-scenes videos

By Dianara Alegre

Ilang linggo pa lang sa ere ay panalo na agad sa ratings ang GMA Public Affairs's romantic-comedy series na Owe My Love na pinagbibidahan nina Kapuso stars Lovi Poe at Benjamin Alves.

Tampok sa serye ang kuwento ng financially problematic na si Sensen Guipit na ginagampanan ni Lovi at ng celebrity doctor at financial advisor na si Migs Alcancia na ginagampanan naman ni Benjamin.

Source: lovipoe (Instagram)

Pero hindi lamang on-air ang kwelang hatid ng cast ng Owe My Love kasama sina Winwyn Marquez, Aiai Delas Alas, Leo Martines, Nova Villa, Ruby Rodriguez, Jackie Lou Blanco, Jon Gutierrez, Jelai Andres, Divine Tetay, Donita Nose, Jason Francisco, Long Mejia, Pekto Nacua, Brod Pete, Kiray Celis, Buboy Villar, Mahal, Ryan Eigenmann, Jessa Chichirita, child star na si Angel Velasco, John Vic de Guzman, at Joaquin Manansala, dahil patok din sa netizens ang ilang funny videos na mapapanood naman sa kani-kanilang social media accounts.

Source: lovipoe (Instagram)

Panoorin ang top five funniest Owe My Love behind-the-scenes videos dito:

Samantala, kahit marami nang nagampanang karakter na talagang tumatak sa viewers, ibinahagi ni Lovi na napakalaking karangalan pa rin na siya ang napiling gumanap bilang si Sensen.

Aniya, iba ito sa mga dati na niyang nagampanan at panibagong challenge ito sa kanya dahil masusubukan dito ang galing niya sa pagpapatawa.

“It's a very different role plus a very different story,” aniya nang makapanayam ng 24 Oras noong Pebrero.

“Nagpapasalamat ako dahil talagang just to be given the opportunity to play a role as Sensen is already a big deal for me kasi nga talagang kahit comedy siya but realidad din na nangyayari ngayon,” aniya pa.

Breadwinner ng kanyang pamilya si Sensen at susubukan nito ang kahit anong trabaho na pupuwede sa kanya para lamang kumita at may maipangtustos sa pamilya.

“Marami po sa ating mga Pilipino ang makaka-relate sa character ni Sensen kasi in every home there's a Sensen. There's a breadwinner who helps the family [na] uunahin muna ang family bago ang sarili,” sabi pa niya.

Patuloy na manood ng Owe My Love tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:35 P.M. sa GMA!

Kilalanin ang iba pang mga bida sa Owe My Love sa gallery na ito: