What's on TV

Ex-couple na sina Rocco Nacino at Lovi Poe, nagkaroon ba ng ilangan sa set ng 'Owe My Love'?

By Dianara Alegre
Published April 6, 2021 12:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

GMA Kapuso Foundation builds four new classrooms in Bohol this year
Balitang Bisdak: December 15, 2025 [HD]
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Lovi Poe at Rocco Nacino


Muling nagkasama sina Rocco Nacino at Lovi Poe sa romantic-comedy series na 'Owe My Love.'

Muling nagsama ang dating couple na sina Rocco Nacino at Lovi Poe sa romantic-comedy series na Owe My Love, limang taon makalipas ang kanilang breakup.

Kumusta naman ang muling pagsasama nina Rocco at Lovi?

Source: Owe My Love Facebook page

Ayon sa aktor, maayos naman ang kanilang muling pagkikita. Hindi raw sila nailang sa isa't isa kahit pa nagkaroon sila ng romantic relationship noon.

“Wala naman po ilangan. It's been so many years. Okay naman po ang lahat,” aniya nang makapanayam ng 24 Oras.

Dagdag pa niya, nakapag-usap na sila ni Lovi at wala silang sama ng loob sa isa't isa.

“Nag-usap na rin kami para walang awkward and then simula nun naging magaan na po ang lahat ng eksena, e. Everything became easier,” aniya.

“Sa kanya na rin po nanggaling na masaya po siya para sa akin. Bagong kasal po ako nun, e, bago po ako pumasok sa 'Owe My Love.' It's nice to know na walang samaan ng loob,” lahad pa niya.

Nag-taping para sa Owe My Love si Rocco ilang linggo lamang mula nang ikasal siya sa longtime girlfriend niyang si Melissa Gohing noong January 21.

Anang aktor, walang problema sa misis niya ang pakikipagtrabaho sa ex-girlfriend niya. Sa katunayan, ito pa raw ang nagpursige sa kanya na tanggapin ang trabaho.

“'Yung asawa ko rin po talaga nag-push sa 'kin na, 'O, taping 'yan. Gawin mo na. It's work,'” dagdag pa niya.

Sa serye, gumaganap si Lovi bilang ang financially problematic na si Sensen Guipit habang gagampanan naman ni Kapuso hunk Benjamin Alves ang karakter na Migs Alcancia na isang celebrity doctor at financial advisor.

Sa takbo ng kwento, nagkakaroon ng chemistry sina Sensen at Dr. Migs at unti-unti na silang nagkakapalagayan ng loob. Pero magkakaroon ng problema ang samahan nila sa pagpasok ni Rocco bilang si Dr. Kenneth Paul na magiging kaagaw ng ni Dr. Migs kay Sensen.

Hindi lang pala magiging karibal ni Dr. Mig si Dr. Kenneth sa puso ni Sensen kundi pati sa career niya.

Source: Owe My Love Facebook page

Samantala, bukod kina Lovi at Benjamin, kabilang din sa cast sina Winwyn Marquez, Aiai Delas Alas, Leo Martines, Nova Villa, Ruby Rodriguez, Jackie Lou Blanco, Jon Gutierrez, Jelai Andres, Divine Tetay, Donita Nose, Jason Francisco, Long Mejia, Pekto Nacua, Brod Pete, Kiray Celis, Buboy Villar, Mahal, Ryan Eigenmann, Jessa Chichirita, at child star na si Angel Velasco, John Vic de Guzman at Joaquin Manansala.

Samantala, mas kilalanin pa ang cast ng Owe My Love sa gallery na ito:

Related content:

What Melissa Gohing thinks of Rocco Nacino working with ex Lovi Poe

WATCH: Funniest 'Owe My Love' behind-the-scenes videos