TV

Netizens applaud Gabbi Garcia's performance in 'Pamilya Roces'

By Jansen Ramos

Kakaibang Gabbi Garcia raw ang napapanood ngayon sa newest primetime offering ng GMA, ang Pamilya Roces.

Bumilib ang netizens sa pagganap ng Global Endorser bilang Jade Roces, isang social media influencer at spoiled brat na anak nina Natalia (Gloria Diaz) at Rodolfo (Roi Vinzon).

Dalawang gabi pa lang napapanood ang Pamilya Roces pero dagsa na agad sa Twitter ang positive feedback kay Gabbi at maging sa serye.

Pilot episode ng 'Pamilya Roces,' trending online!

Trending rin ang official hashtag nito na #PRFamilyNumber3 sa Twitter kagabi, October 9.

Samantala, narito ang mga dapat abangan sa Pamilya Roces ngayong Miyerkules, October 10.