TV

WATCH: 'Pamilya Roces' stars, pinaningning ang Christmas tree lighting ng isang mall

By Jansen Ramos

Lalong pinaningning ng cast ng Pamilya Roces ang Christmas tree lighting event ng Robinsons Place Novaliches noong Sabado, November 3.

Present sa event sina Rocco Nacino, Gabbi Garcia, Sophie Albert, Manolo Pedrosa, Shaira Diaz at Jasmine Curtis Smith, kasama ang all-male Kapuso group na One Up.

Sinalubong sila ng palakpakan at hiwayan mula sa kanilang mga fans lalo na nang nag-alay sila ng awitin para sa mga ito.

Ayon kay Rocco, perfect time din ito para maka-bonding niya ang kanyang co-stars.

"Nakikita ko 'yung mga tao ngayon at nagkasama-sama kami para sa ganitong klaseng event.

“Masasabi ko lang na nararamdaman ko 'yung Christmas Spirit." bahagi niya sa 24 Oras.


Ngayong papalapit na ang Pasko, bumubuo na rin ng plano ang ilang celebrities tulad nina Jasmine at Manalo.

Bahagi ni Jasmine, "For Christmas, sana mabisita ko si Mama sa Australia pati na rin 'yung kapatid kong lalaki do'n, and dun na rin ako mag-nu-New Year."

Ganito rin ang pahayag ni Manolo, "Siguro spend time with the family, siguro out of town."

Patuloy na subaybayan sina Rocco, Gabbi, Sophie, Manolo, Shaira at Jasmine sa Pamilya Roces, gabi-gabi pagkatapos ng Onanay sa GMA Telebabad.