TV

Pamilya Roces: Jade, ginamit lang si Gil para pagselosin si Pearl?

By Jansen Ramos

Sa November 19 episode ng Pamilya Roces, hindi inaasahan na magkakasundo sina Amber at Jade dahil pareho sila ng pinagdaraanan sa pag-ibig.

Nag-break na sina Jade at Gil matapos malaman ng huli na ginagamit lang pala siya ng dalaga para pagselosin si Pearl. Nagsisisi tuloy si Jade sa kanyang ginawa dahil nagkakaroon na siya ng feelings para kay Gil.

Brokenhearted din si Amber matapos sabihin ni Hugo na hindi niya hihiwalayan si Crystal. Akala ni Amber ay seseryosohin siya nito pero gagawin lang palang pampalipas-oras.

Panoorin ang tagpong 'yan sa video na ito: