TV

Shaira Diaz, buwis-buhay ang huling eksena sa 'Pamilya Roces'

By Jansen Ramos

Ibinahagi ni Shaira Diaz sa kaniyang Instagram Stories ang kaniyang buwis-buhay moment habang nagte-taping para sa Pamilya Roces.

Ayon sa kaniyang post, aksidente siyang nabigti habang kinukuhanan ang finale episode ng serye.

Bahagi niya, "Fact: Habang kinukuhanan namin ang eksena na 'to, accidentally nabigti ako for like 5 seconds!!"

"Super scary!! Ang sakit pala sobra at hindi ka makakahinga," dagdag pa niya.

Samantala, nagpasalamat si Shaira sa pagkakaroon ng pagkakataon na makatrabaho sina Carla Abellana, Gabbi Garcia, Sophie Albert at Jasmine Curtis Smith sa serye.

Maraming salamat, Kapuso, sa pagsubaysabay sa riot reunion ng Pamilya Roces.

Sundan naman simula Lunes, December 17, pagkatapos ng Onanay ang pinakabagong handog ng GMA Heart of Asia, ang My Golden Life.

Maririnig ang boses nina Kapuso stars Ken Chan, Sanya Lopez, Bruno Gabriel at Ayra Mariano sa Tagalog dubbed version ng 2017 highest-rating Korean family drama.