TV

G. Toengi says her kids keep her young


Ilang taon na ang nakalipas mula nang umalis ng bansa si Kapuso actress G. Toengi para mag-aral sa Amerika. Kasabay ng pag-aaral niya roon ang pagbuo niya ng pamilya. Pero noong 2011, napagdesisyunan nilang bumalik sa Pilipinas.

Dalawang taon nang nananatili rito ang pamilya ni G. Sa katunayan, dito na nga nag-aaral ang mga anak niya na sina Sakura at Kenobi. Kuwento niya, pumayag ang kanyang asawa na si Tim Walter na dito sila manirahan sa bansa for good. Gusto kasi ni G. na bumalik sa showbiz at i-apply ang lahat ng kanyang napag-aralan sa Amerika. Nang makita ng GMANetwork.com ang aktres, napansin namin na wala siyang ipinagkaiba sa kanyang itsura mula nang umalis siya ng Pilipinas. Taglay pa rin niya ang  fit at trim body at lalo pa siyang gumanda.

“I really take care of myself as I've gotten older. Siyempre kapag tumatanda [ay] kailangang mag-maintain,” sagot ni G. nang tanungin namin ang sikreto niya sa pagpapaganda.

Dagdag pa niya, mas healthy raw siya ngayon kaysa noong kabataan niya. “I work out now. I eat good food, healthy food. I drink a lot of water. I don't go out late at night anymore. I sleep a lot,” aniya.

Pero sa tingin ni G., ang pinakamalaking factor sa maintenance ng kanyang physique ay ang kanyang mga anak na sina Sakura at Kenobi. “I'm a very hands on mom besides being a working mother and an actress. I’m very hands-on with my kids. I think they keep me young,” saad niya.

“Naghahabulan kami kapag ayaw maligo. Ako pa talaga [ang] nagpapaligo, nagpapakain, nagbibihis. Pinalaki ko 'yung mga anak ko sa Amerika so na-train na talaga ako,” kuwento ni G.

Ikinuwento rin sa amin  ng aktres na kuntento na silang mag-asawa sa dalawang anak lamang dahil ito ang ideal para sa kanila. “I have a daughter and I have a son. And that's all the kids I want! Because alam ko talaga kung gaano kahirap magpalaki ng anak,” paliwanag niya.

“I'm happy in life. I'm contented, very happy, I love being a mom and being a wife. I'm so grateful that they (family) are my number one fans,” pagtatapos ni G.

Patuloy na subaybayan si G. Toengi sa Paraiso Ko’y Ikaw, weekdays after Tale of Arang on GMA Telebabad. – Text by Al Kendrick Noguera, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com