TV

Kim Rodriguez and Kristoffer Martin, todo ang ginawang paghahanda para sa 'Paraiso Ko'y Ikaw'


Napanood na kahapon ang kapana-panabik na pagsisimula ng Paraiso Ko’y Ikaw, pero ang 'di alam ng karamihan ay matinding preparasyon ang ginawa ng lead stars na sina Kristoffer Martin at Kim Rodriguez para rito.

Kuwento ni Kristoffer sinabihan siya ng management na paghandaan mabuti ang kanyang role. “To take care of my body, kasi more on flesh 'yung makikita sa akin dahil sa story na dun sila nagstay sa isla. So ni-require ako ng management na magpaganda ng katawan.”

Ayon kay Kristoffer, thrice a week siyang nagpupunta sa gym. Bukod pa dito ay naglalaan din siya ng panahon sa swimming at every morning ay tumatakbo siya sa kanyang condo.

Ngunit klinaro ni Kristoffer na hindi niya hangad ang magkaroon ng malaking pangangatawan. Kuwento niya, “gusto ko toned lang. ‘Yun yung nirequest ko sa trainer ko. Gusto ko malinis lang yung cuts.”

Hindi naman nagpahuli si Kim sa preparasyon para sa kanilang bagong show. Aniya, “nung nalaman ko po na ako 'yung natanggap bilang Josephine sa Paraiso Ko'y Ikaw, nagprepare ako. Nag-diet ako, nag-gym, bilang mature role na ito. Medyo sexy na, so nagdiet ako, jogging at swimming.”

Ayon kay Kim, wala pa siyang nagagawang enhancements sa kanyang mukha. Paliwanag niya “Walang dagdag, walang bawas po. Kuntento na po ako sa kung anong meron ako. 'Di ko na po kailangang magpabago ng mukha o sa katawan, magpadagdag. Kuntento na po ako.”

Nung si Kristoffer ang tinanong kung may balak ba itong magpabago ng kanyang mukha. “Hindi! Ayaw!”, maikling pagtatapos nito.

Abangan ang balik-tambalan nina Kristoffer Martin at Kim Rodriguez sa Paraiso Ko’y Ikaw, weekdays sa GMA Telebabad.

-Text by Maine Aquino, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com