TV

Kim at Kristoffer, inaming may limitations sa 'Paraiso Ko'y Ikaw'


Dalawang episode pa lamang ang ipinapalabas ng Paraiso Ko’y Ikaw, pero sunod-sunod na ang magagandang feedback na natatanggap nito. Nararamdaman na ang pananabik ng mga manonood sa paglabas ng karakter nina Kristoffer Martin at Kim Rodriguez.

Bagamat aminado sina Kristoffer Martin at Kim Rodriguez na magaan ang kanilang mga eksena sa Paraiso Ko’y Ikaw dahil nagkatrabaho na sila sa Kakambal ni Eliana, hindi pa rin maalis sa kanilang dalawa ang nararamdaman nilang pressure. Kuwento nila, ito ay nagsisilbing motivation sa kanilang pagganap.

“Siyempre pag nape-pressure ka, mas lalo naming ginagalingan,” pahayag ni Kim.

Dahil ni-require silang magpaganda ng katawan, hanggang saan nga ba ang kaya nilang ipakita sa mga manonood?

“May limitations pa din. Siyempre, 'di pa naman kami totally full grown adults 'di ba? So siyempre may limitations pa din. 19 siya [si Kim], 19 din ako. Siguro magfo-focus lang kami sa story itself,” pahayag ni Kristoffer.

Dagdag ni Kim, “Siguro po magpapakita ng skin, pero konti lang. Hindi 'yung daring na.”

Abangan sina Kim Rodriguez at Kristoffer Martin sa kanilang pagganap bilang Josephine at Tupe sa Paraiso Ko’y Ikaw.

-Text by Maine Aquino, GMANetwork.com