TV

Gabby Eigenmann at Irene Celebre, unang beses gaganap bilang mag-ina sa 'Paraiso Ko'y Ikaw'


Makakasama nina Kristoffer Martin at Kim Rodriguez sa Paraiso Ko’y Ikaw ang mag-inang sina Irene Celebre at Gabby Eigenmann kaya’t nasasabik ang lahat kung paano nila bibigyang buhay ang kanilang unang pagganap bilang mag-ina sa telebisyon.

Unang nagkasama sina Gabby at Irene nang mag-guest sila sa Jillian: Namamasko po. Ngunit sa Paraiso Ko’y Ikaw lamang sila nabigyan ng pagkakataon na gumanap bilang mag-ina.

Ayon kay Irene, itinuturing niyang blessing ang role na binigay sa kanya ng GMA sa Paraiso Ko’y Ikaw. Ipinagdasal umano niya na mapunta sa kanya ang role na Herminia, ang ina ni Edward na gagampanan naman ni Gabby Eigenmann.

Aniya, “Sobrang 'di ko nakakasama yung anak ko kasi sobrang busy niya. So sabi ko, honestly speaking, I prayed for this role. Just help me be with my son. God, find a way na we could bond together na long time magkasama kami.”

Kitang kita naman ang timeless beauty ni Irene, kaya’t itinanong kay Gabby kung may boyfriend ba ang kanyang ina.

“She’s married to God”, maikling sagot ni Gabby

Kuwento ni Gabby 'di naman siya hadlang sa usaping pag-ibig ng kanyang ina. “Kung saan masaya 'yung mommy ko, doon ako. Pero, kung di siya masaya, siyempre hindi din ako masaya”

Dagdag ni Gabby, “My mom deserves to be happy”.

-Text by Maine Aquino, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com