TV

G. Toengi on 'Paraiso Ko'y Ikaw': 'I'm very happy that I'm able to play a character that's not one-dimensional'


Isang linggo pa lamang ang nakalilipas mula nang lumabas si Kapuso actress G. Toengi sa Paraiso Ko’y Ikaw. Siya ang gumaganap sa character ni Regina.

Sa simula ng Telebabad soap, ginampanan ni Ashleigh Nordstrom ang batang Regina kasabay nina Lauren Young at Yassi Pressman bilang batang Teresa at Yvette.

Sa kuwento, matalik na magkakaibigan sina Regina, Teresa at Yvette. Pero dahil sa isang lalaki ay nagkakaroon ng lamat ang kanilang relasyon. Nagkagusto kasi si Edward kay Regina kaya’t nagalit si Yvette sa kaibigan dahil matagal na siyang may gusto kay Edward.

Gumawa ng paraan si Yvette para hindi matuloy ang pagmamahalan nina Regina at Edward kaya’t ipinagahasa niya si Regina para mabuntis ito. Dahil sa kahihiyan ay nagpakalayo si Regina at itinuloy ang pagbubuntis. Pagkapanganak niya ay agad niyang ipinaampon ang bata at hindi na niya nakita ang anak na lalaki.

Nakuha ni Yvette ang gusto niya at pinakasalan siya ni Edward. Pero pagkaraan ng maraming taon, nagulat na lamang siya sa pagbabalik ni Regina. Isa na siyang successful businesswoman at magkalaban pa sila sa negosyo. 

Kuwento ni G. Toengi, hindi raw kontrabida si Regina sa show dahil ang kontrabida talaga ay si Yvette na ginagampanan ngayon ni Jessa Zaragoza.

Ayon kay G, unique daw ang role na ibinigay sa kanya ng GMA kaya’t tinanggap niya ito. “I'm very happy that I'm able to play a character that's not one-dimensional. She is a woman in her 30s, very driven, ambitious, and she represents a Filipina that is career-oriented,” aniya.

Dagdag niya, “I'm excited because not a lot of women get to play that role on Philippine television. It represents ang isang babae na business-minded. I know what I want, I'll achieve what I want but at the same time, I won't step on anybody's toes.”

Sa role daw niya bilang Regina ay mare-represent niya ang Filipino women sa ibang angulo. “I feel that women need to be represented on TV, that they're not bitches. They just know what they want,” anang aktres.

Patuloy na subaybayan si G. Toengi bilang Regina sa Paraiso Ko’y Ikaw, weekdays after Tale of Arang sa GMA Telebabad. – Text by Al Kendrick Noguera, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com