TV

Sunshine Dizon on her husband: 'I'm just very thankful that there is no reason to be jealous'

By MICHELLE CALIGAN

Tradisyon na raw kung ituring ni Sunshine Dizon at ng kanyang asawang si Tim ang kanilang pagbabakasyon bago magsimula sa isang TV project. The couple came from South Korea before the actress started taping for her upcoming teleserye with Dingdong Dantes, Pari 'Koy.

PHOTOS: Sunshine and Tim's travel diary


"Siguro kasi we're so busy din with the kids, with work. Parang naging tradition na namin ni Tim na every time na may bagong work, umaalis muna kami ng sandali," she shared with the entertainment press during the show's press conference on March 2.

Hindi naman daw nagiging sagabal sa trabaho ng kanyang asawa ang kanilang trips abroad.

"Ang business namin is nandoon din sa house. Ang family business po nila is 'yung supermarket, and then we also have the water station din po, so medyo flexible din 'yung oras ni Tim because home-based 'yung negosyo namin."

Hindi naman naiwasan ng press na pansinin ang kaguwapuhan ng kanyang mister. May pinagselosan ba siya ni minsan?

"Selosa ako, grabe ako mag-selos. Pero I'm just very thankful that there is no reason to be jealous. Maayos naman po ang asawa ko, sa awa ng Diyos."

Dagdag pa niya, "Mahirap magsalita ng tapos, hindi mo naman alam kung ano mangyayari, marami naman talagang mga bagay na dumarating sa buhay ng tao 'di ba? I'm just very lucky na as of now, I'm very at peace, and thank you naman na nakatagpo ako ng asawa na who is a very good family man, a very good provider."

May pinagselosan din ba si Tim sa mga naging leading men niya?

"Hindi ko rin naman po siya binibigyan ng reason. It's also a conscious effort on my part, I do not want to put my husband in a situation na maaalangan siya," pahayag niya.