TV

Sunshine Dizon on Dingdong Dantes: 'We were just very good friends'

By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Sa 1996 version ng Anna Karenina unang nagkatrabaho sina Sunshine Dizon at Primetime King Dingdong Dantes, kung saan gumanap si Sunshine bilang Karen at si Dong naman bilang Brix.

Ngayon ay muli silang magsasama sa primetime faith-serye na Pari 'Koy. Gaganap bilang Noemi si Sunshine, ang sekretarya ng simbahan kung saan madedestino si Father Kokoy, na gagampanan naman ni Dong.

Sa tagal ng kanilang pagkakaibigan, nagkagusto ba siya sa aktor?

"Ay wala naman po, wala. We were just very good friends, very close. Even our families are very close," paliwanag ni Shine nang makapanayam ng entertainment press sa press conference ng Pari 'Koy noong March 2.

Kaibigan din naman niya ang dalawa sa mga naging ex-girlfriend ni Dong. Gumanap na Anna sa Anna Karenina si Antoinette Taus, habang co-star niya sa Encantadia si Karylle.

"Alam ni Toni [Antoinette] 'yan, alam ni K [Karylle], at siguro alam na rin ni Marian 'yan, that I am really close to Dong. So ako naman, kung saan masaya ang kapatid ko, okay ako doon."

Dagdag pa niya, ayaw niyang ikumpara ang level of closeness niya sa tatlo.

"Okay din naman [kami ni Karylle] kasi matagal din po ang pinagsamahan namin sa Encantadia. Pero kung ang batayan natin is patagalan ng pagsasama, palagay ko si Toni kasi ilang taon 'yung Anna Karenina. Pero I don't want to compare. Basta kung saan masaya si Dong, I'm for that."

MORE ON SUNSHINE:
Sunshine and Tim's travel diary
Sunshine Dizon on her husband: "I'm just very thankful that there is no reason
to be jealous"