TV

Abangan ang 'Pari 'Koy: Ang Pagdating ng Blessing' ngayong Black Saturday

By MICHELLE CALIGAN



Ating sariwain ang kaastigan ni Father Kokoy ngayong Sabado de Gloria, April 4, sa isang espesyal na marathon na pinamagatang Pari 'Koy: Ang Pagdating ng Blessing.

From 11:30 a.m. to 3:00 p.m., muling mapapanood ang kauna-unahang faith-serye sa telebisyon mula sa pilot episode nito noong March 9 hanggang sa eere mamayang gabi, April 3. Balikan ang mga eksenang tumatak sa bawat manonood, pati na rin ang mga aral na ibinahagi ni Father Kokoy. Alamin kung paano niya pilit binabago ang buhay ng bawat mamayan ng taga-Pinagpala, at ang kanyang mga pinagdadaanan para muli silang maging malapit sa Diyos.

Huwag palampasin ang Pari 'Koy: Ang Pagdating ng Blessing this Saturday, April 4, simula 11:30 a.m. hanggang 3:00 p.m., pagkatapos ng Happy Feet.