TV

Dingdong Dantes and David Remo, mas makulit kapag off cam

By MICHELLE CALIGAN

First time magsama ng Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at child star David Remo sa faith-seryeng Pari 'Koy, pero palagay na agad ang loob ni David kay Dong. Lalo silang naging close ngayong madalas silang magkasama sa eksena.

READ: Pari 'Koy gets positive feedback from CBCP 

Sa ulat ni Lhar Santiago sa Balitanghali, ikinuwento ni David kung gaano kabait si Dong sa kanya.

"Mabait po siya. Dati po, nang magkaroon ako ng sugat, ginamot niya po ako."

Si Dong naman, hanga sa pagiging bibo ni David.

"Ramdam mo talaga na gusto niya makasama ang mga tao sa paligid niya. Hindi siya 'yung tipong bata na mahiyain. Talagang pinapakita niya kung ano ang nararamdaman niya."

Kitang kita ang pagiging malapit ng dalawa sa isang Dubsmash video na nasa cellphone ni Dong, kasama si Jillian Ward at iba pang child actors ng Pari 'Koy.

Video courtesy of GMA News