TV

Lasing na opisyal ng barangay, nagwala sa loob ng simbahan

By MICHELLE CALIGAN

Kung ang ibang politiko ang nagpapakahirap para maging maganda ang kanilang imahe, ibahin niyo ang kapitan ng Brgy. Pinagpala na si Jude Banal.

Sa June 9 episode ng Pari 'Koy, hindi nagdalawang isip si Jude na pumasok sa simbahan nang lasing habang nagmimisa si Father Kokoy. Nalaman na niya kasi na si Father Kokoy ang ama ni Pinggoy, ang nawawalang anak ng girlfriend niyang si Michelle.

"Tumigil ka, manloloko ka," saad ni Jude habang nakaturo kay Father Kokoy, na napatigil sa pagmimisa.

Pinigilan siya ni Martha sa pag-eeskandalo, pero ito ang naging sagot niya.

"Ito ang eskandalo! Gusto niyong malaman kung ano ang eskandalo? Manloloko 'to eh. Alam niyo ba, ha, may anak siya. Si Pinggoy! Anak nila ni Michelle si Pinggoy!"

Hindi pa doon tumigil ang barangay captain, dahil tuloy-tuloy ang kanyang pagsiwalat sa kanyang nalaman.

"Ang nakakaloko pa doon, hindi man lang niya nakuhang sabihin sa akin! Tayong lahat, pinagmukha niya tayong tanga! Lalo na ako."

Hinamon rin niya si Father Kokoy na aminin sa lahat ang kanyang kasalanan.

"Sige, sabihin mo ngayon sa kanilang lahat ang mga kasalanan mo. Mangumpisal ka, mangumpisal ka!"

Susundin kaya ni Father Kokoy ang inuutos ni Kapitan Jude sa kanya? Paanoorin ang eksenang ito: