Kilalanin ang mga tauhan ng faith-seryeng bubuhay ng inyong pananalig sa Diyos, sa kapwa at sa inyong mga sarili, ang 'Pari 'Koy.'
Si Father Kokoy ang pinakaastig na kura paroko ng Barangay Pinagpala. Siya ay kikilalanin bilang si Pari 'Koy, ang magsisilbing inspirasyon ng kanyang parish.
Si Noemi ang madiskarte at raketerang sekretarya ng simbahan. Sa kabila ng pagkayod para sa pamilya, aabusuhin at pagmamalupitan siya ng asawang si Simon.
Si Martha ang self-righteous leader ng Tres Marias, ang lay workers sa simbahan ng Barangay Pinagpala.
Si Esther ang tsismosa, tagasulsol at ipokritang miyembro ng Tres Marias, na magiging kakampi ni Martha sa mga hindi nila gustong pamamalakad ni Father Kokoy.
Si Tomas ang masayahin at palatawang all-around helper ng simbahan ng Barangay Pinagpala. Siya ang magiging sidekick, personal alalay, radar at kakulitan ni Father Kokoy.
Si Jude ang pinakamamahal na Barangay Chairman ng Barangay Pinagpala dahil sa pagiging bukas-palad sa mga tao. Ngunit hindi nila alam na aktibo siya sa mga iligal na gawain.
Si Sol ang kanang-kamay ni Jude at lider ng mga barangay tanod. Siya rin ang gumagawa ng "dirty works" ng kapitan.
Si Timo ang nakababatang kapatid ni Noemi at kilala bilang hari ng tambay sa Barangay Pinagpala.
Si Simon ang malupit na asawa ni Noemi at tatay ni Sarah. Babaero at feeling binata kung kumilos.
Si Sarah ang nag-iisang anak nina Noemi at Simon. Masaya at matulungin dahil pinalaki ni Noemi sa pagmamahal.
Si Eli ang maangas at happy-go-lucky type of guy na magbabago sa pagdating ni Ava sa kanyang buhay.
Si Ava ang mabait, madasalin at mabuting apo ni Martha. Makikilala niya si Eli na siyang magtutulak sa kanya na maging kasapi ng choir ng simbahan.
Si Pinggoy ang bibo, makulit at pasaway na batang magiging kasangga ni Pari 'Koy sa kanyang misyon sa Barangay Pinagpala.
Si Sam ang nakababatang kapatid ni Father Kokoy. Natatakot siyang hindi matanggap ng kanyang pamilya dahil sa pagiging closet gay.