TV

Drew Arellano at Iya Villania, masaya sa kanilang game show ngayong 2017 na 'People vs. The Stars'

By ANN CHARMAINE AQUINO

Malapit nang magsimula ang kauna-unahang game show ng celebrity couple na sina Drew Arellano at Iya Villania. Ano kaya ang pakiramdam ng dalawa ngayong na mayroon silang pagsasamahang show ngayong 2017?

Kuwento ni Drew pabor sa kanilang mag-asawa ang maging hosts ng People vs. The Stars.

"It's convenient. That's the term that we want to use. Convenient and it's just so natural and easy to work with her (Iya)."

Pagpapatuloy ni Iya, "One is not being away from the other. We're working together."

Bukod sa kanilang pagsasama sa People Vs The Stars, ikinuwento rin ng mag-asawa ang saya na kanilang nararamdaman dahil sa kanilang anak na si Primo.

Kuwento ni Drew, isa lang ang mood nila sa bahay. 

"Ugh, horrible! Sad and angry all the time," biro nito.

Dagdag pa ni Drew, sa social media accounts makikita ang saya nila bilang isang pamilya. 

"What you guys see on TV I guess and on social media is what we are talaga. Such a joy for us lalo na nung dumating si Primo sa buhay namin. I guess we're also very generous to capture stills, every moments, videos, we share it on social media."

Si Iya naman ay umamin na hindi nila mapigilan na matuwa kay Primo kaya ibinabahagi nila ito sa kanilang followers.

"Siyempre hindi namin mapigilan kasi sobra kaming natutuwa kahit kaunting ngiti lang, kaunti coo lang niya."

MORE ON DREW ARELLANO AND IYA VILLANIA:

WATCH: Drew Arellano & Iya Villania's Baby Primo and his "sexy dance"

Kulit celebrity family goals: Drew Arellano, Iya Villania, and Antonio Primo