TV

WATCH: Drew Arellano at Iya Villania, natuwa sa kakulitan nina Alden Richards, Derrick Monasterio at Kristoffer Martin sa 'People vs. The Stars'

By ANN CHARMAINE AQUINO

Sa unang episode ng People vs. The Stars, makakasama nina Iya Villania at Drew Arellano ang Kapuso heartthrobs na sina Alden Richards, Derrick Monasterio, at Kristoffer Martin.

WATCH: People vs. The Stars Teaser Ep. 1: Ang unang pasabog ng People vs. the Stars

Ayon sa mag-asawa, masaya sila na ang tatlo ang una nilang contestants sa pilot episode na ipapalabas ngayong January 15.

Kuwento ni Iya, "It could've been tuloy tuloy, siguro kaya nila hanggang five episodes. Ang kulit nila eh."

Biro ni Alden, ginawan nila talaga ng paraan na magkasama sama sa People vs. The Stars. Aniya, "Ang hirap nga pong maging available nung dalawa."

Para naman kay Derrick, nag-enjoy silang tatlo sa bagong game show na ipapalabas ng GMA Network.

"Basic lang 'yung laro pero masayang laruin. Mananalo ka talaga ng pera, plus 'yung tao mananalo din."

Saad naman ni Kristoffer masaya sila dahil nagkasama-sama silang magkakaibigan sa People vs. The Stars. Aniya, "Na-enjoy ko kasi silang dalawa yung kasama ko."


MORE ON 'PEOPLE VS. THE STARS':

WATCH: Iya Villania at Drew Arellano, excited nang ilunsad ang game show na 'People vs. The Stars'

IN PHOTOS: 'People vs. The Stars' press conference with Drew Arellano & Iya Villania