TV

WATCH: Angelu de Leon, Gladys Reyes at Tina Paner, nakakuha ng best record sa 'People vs. The Stars'

By ANN CHARMAINE AQUINO

Matataray man sa telebisyon at pelikula ang mga stars na sina Angelu de Leon, Gladys Reyes, at Tina Paner, saya naman ang kanilang dinala sa kanilang pagsali sa People vs. The Stars ngayong Linggo, April 2.

Ilang mga tanong ang nagpalabas ng kanilang husay sa pagsagot sa mga tanong nina Iya Villania at Drew Arellano.


Hindi pa man sila umaabot sa 'Brain Buster' challenge umabot na sa PHP 100,000 ang pot money ng stars. Kauna-unahan itong naganap sa Kapuso game show na People vs. The Stars.


Matinding pagkahilo naman ang inabot ng stars dahil sa Brain Buster question. Nahulaan nga ba nila ito lahat?


Panoorin muli sina Iya Villania at Drew Arellano next Sunday sa People vs. The Stars.

MORE ON 'PEOPLE VS. THE STARS':

WATCH: Dennis Trillo, Tom Rodriguez, at Janice de Belen nalito kina Jak Roberto at Senator Manny Pacquiao

WATCH: Ryza Cenon, naging Georgia sa 'People vs. The Stars'