TV

John Feir, nami-miss makatrabaho si Pekto


Unang nagkasama ang mga komedyanteng sina John Feir at Mike "Pekto" Nacua sa dating comedy show na Nuts Entertainment. Nakilala sila sa kanilang portrayal as the cross-dressing duo Cookie and Belli Flori sa 'Balakubak' segment ng naturang programa.

Matagal-tagal na rin mula nang huli silang nagkatrabaho. Nami-miss kaya ni John ang kanyang partner-in-crime?

"Well, teary eyed ako kapag naiisip ko siya kasi nami-miss ko 'yung holding hands namin. Hopefully mahawakan ko ulit ang kamay niya, lalo na 'yung face niya, 'yung makinis niyang face," pabirong sagot ni John nang aming makapanayam sa Pepito Manalotour: The School Tour last March 11.

He also admits that he wishes to work with Pekto again soon. "Kami ni Sweetheart Pekto, lagi kaming magkasama noon. Hindi pa lang siguro nabibigyan ng project, pero hopefully magkasama kami at makita rin ang kulitan naming dalawa."

Huling napanood si Pekto sa telefantasyang Adarna, habang si John naman ay bahagi pa rin ng family-oriented comedy show na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, where he plays the role of Patrick, Pepito's best friend.

Ano na ba ang latest kay Patrick?

"Nagiging responsible father na si Patrick ngayon, especially dahil nandidito na ang anak namin, si Janrick Panice. Sa pangalan pa lang, talaga namang asahan niyo na magiging makulit na bata siya, tulad ng nanay niya, hindi ako."

Ikinuwento din ni John kung paano nabuo ang character niyang ito. Aniya, si Patrick ng Spongebob Squarepants ang peg ng kanyang role. "Tapos ki-noach na lang niya [Michael V.] ako kung papaano ang gusto niyang mangyari. Ayun okay naman, mukhang tanga lang."

In our previous interviews with the other cast members of the show, ibinahagi nila na parang isang malaking pamilya sila sa set. Sinang-ayunan din naman ito ng komedyante.

"Actually parang hindi trabaho 'tong taping namin. Ito'y isang malaking playground. Siyempre naman, nandiyan 'yung pagseseryoso sa trabaho, pero kapag ine-enjoy mo ang trabaho mo, mas nagiging maganda ang outcome."

Patuloy na panoorin si John Feir bilang Patrick sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, Sunday nights after Kap's Amazing Stories. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com