TV

Janna Dominguez on being part of 'Pepito Manaloto': 'Nakakatuwa kasi 'yung love nila sa 'yo, hindi lang sa work'

Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.

Janna plays the role of Maria, isa sa mga kasambahay ng pamilya Manaloto, composed of Pepito, his wife Elsa, and their children, Chito and Clarissa.

Aniya, hindi mahirap gampanan ang character ni Maria dahil nagsimula naman siya bilang isang stand-up comedienne. "Kampante ako sa line na 'to kasi effortless ang arte na 'to. Hindi ko naman sinasabing tangang-tanga ako, may mga mali lang ako," pabirong paliwanag ni Janna nang aming makapanayam sa campus tour ng Pepito Manaloto kamakailan.

She adds, "Ang character kasi ni Maria, unpredictable. 'Yung hindi mo alam kung kailan tatama, basta lang may maihirit. Pero hindi ko alam kung tama o mali ang hinihirit ko. Ganun siya ka-naive."

Malaki ang pasasalamat ni Janna na nagkaroon ng Book 2 ang naturang comedy show. Inamin niyang nalungkot siya nang matapos ang Book 1. "Pero in-explain naman sa amin na tatanggalin muna siya for a while. Naiyak kaya ako kasi  nung 180 lbs ako pero kinuha pa rin nila ako. Plano ko kasi talaga after kong manganak, hindi na talaga ako magsho-showbiz, mag-focus ako sa family life. Tapos nagulat na lang ako nang tinawagan nila ako. Hindi ako makapaniwala kasi ang taba-taba ko noon eh. Nandoon pa ako sa post-partum stage na ang pangit ko."

Ano kaya ang sikreto ng Pepito Manaloto at tumagal ito?

Ayon kay Janna, malaking bahagi sa kanilang success ang script reading. "First time ko(ng) maka-experience ng re-reading. Malaking bagay talaga siya sa pagiging artista, kasi malalaman mo na [ang flow ng script]. Naga-guide kami ng script, i-execute mo na lang kapag nandoon ka na sa take. Sobrang ganda ng sistema na ginawa nila, kaya tumagal eh."

Sa harap o sa likod man ng camera, isang pamilya ang turingan nila sa isa't isa. "Nakakatuwa kasi 'yung love nila sa 'yo hindi lang sa work. Dito kapag off-cam na, grabe 'yung asaran at support namin sa isa't isa. Nakaka-overwhelm na kung wala ako sa ganitong posisyon, kunwari iba ang nakuha, maiinggit ako sa kung sino man ang nasa posisyon ko."

Patuloy na panoorin ang Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, Sunday nights after Kap's Amazing Stories. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com