TV

Si Robert gustong maging Tommy!

BY AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com


Mas lalo pang gumaganda ang bawat eksena sa number one Saturday night comedy series na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.

Isa sa pinaka-beloved character ng show ang family driver ng pamilyang Manaloto na si Robert played by the dashing Kapuso actor Arthur Solinap.

Sa panayam ng GMANetwork.com sa Kapuso hunk panay papuri ang nasabi nito sa kanyang mga co-actors sa show na pawang mga batikan na sa larangan ng pagpapatawa.

Ayon kay Arthur, “Actually, halos lahat kami galing sa comedy pero dahil sa galing ng group na ‘yun, nagtutulungan kami. Wala kasi sa amin 'yung o bahala ka na diyan sa gagawin mo.”

Dagdag pa niya, “Dahil sa script reading namin sa morning, doon pa lang, binabasa na, kapag hindi maganda yung delivery, lahat sila nagsasabi ‘ay dapat ganyan gawin mo'. Lahat talaga may say. ‘Yun ang maganda sa amin”

Ayon sa aktor, natutuwa sila dahil ang Kapuso cutie na si Jake Vargas, who plays Chito Manaloto, ay nagpapakitang gilas din daw pagdating sa pagko-comedy.

“Si Jake kasi 'di ba sobrang tahimik lang 'yun ‘eh. Tapos unti-unti na nga na parang naging close din sa amin. Lumalabas din 'yung comedy side niya.”

Kung bibigyan kaya siya ng pagkakataon to play another character sa Pepito, other than the one that he is playing right now, sino kaya ito? 

“Gusto ko maging Tommy (laughs). Sobrang karakter kasi 'yung dating ni Tommy. Karakter talaga literal! Gusto ko maging ganun, mahirit. Kung paano magsalita si Tommy ‘yun. Minsan kasi ginagaya namin ‘yun, tuwang-tuwa kami.”