TV

Reality is the best inspiration

BY AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Apat na taon nang makabuluhang tawanan, kulitan at panalong episodes ang handog ng buong cast ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento sa mga loyal Kapuso viewers.

Ang itinuturing na utak ng comedy program ay ang veteran host/comedian na si Michael V. na malaki ang ginagampanang papel sa conceptualization ng bawat episode ng Pepito.

Kuwento nga ni Michael V. sa GMANetwork.com ginagamit niya ang mga real life experiences or situations na pinagdaanan ng mga artista na parte ng show para higit na mapaganda ang mga eksena o 'di kaya mas lalong gawing interesting ang mga karakter nila sa show.

“Kasi yung 'yung script is working for them. Hindi na nila kailangan mag-exert talaga ng effort. Kilala ko kasi sila personally, so 'yung touches na puwede kong ilagay dun, 'yung characteristics sa bawat character as artista madalas nailalagay ko.

“For example may problema si Jake ganyan, personal problem, puwede kong atakihin 'yun. Ganun din 'yung ibang characters si Mane (Manilyn Reynes) minsan pag may problema naikuwento niya. Puwede kong paglaruan 'yung script para magamit niya 'yung pinagdadaanan niya para mapaganda 'yung role or episode.”

Ayon kay Michael V. sinasaalang-alang daw ng buong team ng Pepito ang mga minamahal nilang televiewers kaya nung gawin daw nila ang Book Two ng show ay may mga ginawa silang changes.

“'Yung Book One ang taas ng ambisyon, sobrang taas na parang hindi namin maabot. Kaya nung bumalik kami para gawin 'yung Ang Tunay na Kuwento (Book Two) medyo binaba naming ng konti para maabot naman, hindi lang para sa amin, kundi para sa masa rin , para mas maabot ng viewers namin.”