advertisement
TV

Pepito Manaloto: Mga naabutan na pagbabago at milestones ng sitcom sa loob ng 11 taon

1 of 15

Kapuso sitcom

Sinamahan natin sa kanyang laugh-out-loud adveture ang dating mahirap na si Pepito na instant multi-millionaire ng tamaan niya ang Php700 million na lotto jackpot. Napanood natin ang Book 1 ng Pepito Manaloto noong March 2010 hanggang 2012. At matapos ang ilang buwan ng kanilang season break ay napanood uli ito sa ere noong September 16, 2012. Sa isang dekada nito nakapagtala na ito ng daang episodes na palaging nagpapatawa sa atin linggo-linggo. Kaya naman ating balikan ang mga pagbabago at milestones na naabutan ng award-winning Kapuso sitcom mula 2010-2020.

2 of 15

Presidents

Nang umere ang 'Pepito Manaloto' noong 2010 presidente pa noon si Benigno Simeon "Noynoy" Aquino III. Naabutan na nila Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) ang pagpapalipat ng liderato sa Malacanang nang maupo si President Rodrigo Roa Duterte noong 2016.

3 of 15

Miss Universe

Sa isang dekada ng sitcom, saksi din sila sa pagkapanalo nina Pia Wurtzbach at Catriona Gray sa Miss Universe pageant.

advertisement
4 of 15

Beauty pageants

Sa tagal ng Pepito Manaloto, naabutan din nila ang pagkapanalo nina Megan Young (Miss World 2013), Bea Rose Santiago (Miss International 2013) at Kylie Verzosa (Miss International 2016).

5 of 15

School system

Naabutan din ng award-winning Kapuso sitcom ang pagpapalit ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas na ngayon ay K+12 na.

6 of 15

SEA Games

Sa isang dekada ng 'Pepito Manaloto' nasaksihan din nito ang pagho-host muli ng Pilipinas ng 2019 Southeast Asian Games na huling nangyari taong 2005 pa.

advertisement
7 of 15

International events

Sa sampung taon sa telebisyon ng Kapuso sitcom, nasilayan din nito ang pagho-host ng bansa ng malalaking events tulad na lang ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) noong 2015 at dalawang taon ang makalipas ang hosting ng 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

8 of 15

President Marcos

Sa tagal ng 'Pepito Manaloto' sa telebisyon inabot din nito ang paghihimlay kay former president at diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani noong 2016.

9 of 15

Pope Francis

Oh baka 'di niyo naalala na naabutan din ng 'Pepito Manaloto' ang pagiging santo papa ni Cardinal Jorge Bergoglio na ngayon ay si Pope Francis noong March 2013. Bumisita din ito sa bansa taong 2015.

advertisement
10 of 15

Eat Bulaga

Saksi din ang 'Pepito Manaloto' sa milestone ng 'Eat Bulaga.' Mula sa phenomenal success ng Kalyeserye at AlDub hanggang sa 40th celebration din ng longest-running noontime show. Kahit ang paglilipat bahay nila sa APT Studios sa Cainta, Rizal ay naabutan din pamilya ni Pitoy.

11 of 15

Yolanda

Naging saksi din ang 'Pepito Manaloto' sa ilan malulungkot na kabanata sa ating bansa tulad ng tumama ang Super Typhoon Yolanda noong 2013.

12 of 15

Visayan earthquake

Taong 2013 nang maranasan ng mga taga Central Visayas ang magnitude 7.2 earthquake.

advertisement
13 of 15

Taal Volcano

Umeere pa rin ang 'Pepito Manaloto' nang sumabog muli ang Bulkang Taal matapos ang apat na dekada noong January 2021.

14 of 15

Coronavirus

Nakakagulat din na mararanasan ng pamilya nina Pepito at Elsa ang new normal dulot ng COVID-19 pandemic.

15 of 15

Kapuso

Higit sa lahat, kasama din ang 'Pepito Manaloto' sa 70th anniversary celebration ng Kapuso Network noong 2020.

advertisement