TV

“Thank you for everything bhe” says Arthur Solinap

By AEDRIANNE ACAR

Maayos na ang lagay ng Pepito Manaloto star Arthur Solinap matapos magtamo ng basketball injury last month.

Naputol ang tendon sa kaliwang tuhod niya matapos maglaro sa isang basketball game sa Cavite.

Base sa post nito sa Instagram, kilig na kilig si Arthur sa pinadalang fruit basket ng kanyang long-time girlfriend na si Rochelle Pangilinan.

Aniya, “Ito unang nakita ko pag gising ko..thank you for everything bhe @rochellepangilinan sobrang nakaka feel good! ???? ???? wala nakong masasabi kundi i love you!”



Ni-regaluhan naman siya ng kanyang Pepito Manaloto family ng isang special birthday cake. Nag-celebrate ang Kapuso hunk ng kanyang kaarawan noong January 19.

Dagdag pa ng actor na miss na miss daw niya ang mag-taping sa Pepito.

“Wow ???? Thank you #PepitoManaloto Family! Kaka touch naman sobra....Miss ko na kayong lahat and miss ko na mag taping :( shout out to Chef Jo ????”



Na-operahan si Arthur noong January 26, sa Las Piñas Doctors Hospital at aabutin daw ang kanyang recovery preiod ng six to eight weeks.