TV

Bitoy & Mane, tumatayong pangalawang magulang ni Jake Vargas

BY AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Matagal na ang pinagsamahan ng cast ng multi-awarded Saturday night comedy offering na Pepito Manaloto mula noong magsimula ito taong 2010.

Kitang-kita ang magandang samahan ng mga stars nito dahil swak ang chemistry nila sa harap at likod ng camera.

Kuwento nga ng mga veteran comedians na sina Michael V at Manilyn Reynes na isang magandang halimbawa ng pagiging close nila sa isa't isa ay ang samahan nila sa anak-anakan nila na si Kapuso heartthrob Jake Vargas who plays Chito Manaloto.

Ayon kay Michael sa tagal ng pagsasama nila ay parang tatay na daw ang turing sa kanya ni Jake at kung minsan daw ay nasasabihan daw ito ng mga personal na problema ng binata.

Aniya, “Ang trato nga niya nga sa amin parang magulang na talaga. There are times na nakukuwentuhan niya ako ng problema na hindi ko naman inaasahan.”

“Siguro dahil na rin dun sa role namin, ang tingin niya parang tatay niya na ako, na puwede niyang pagsabihan ng problema.”

Binuking naman si Jake ng tumatayong ilaw ng tahanan ng mga Manaloto na si Manilyn Reynes. Bagama’t ilang taon na raw na artista itong si Jake Vargas ay hindi pa din nawawala ang pagkamahiyain nito, kahit sa kanila na matagal na niyang nakakasama.

Saad ni Mane, “mahiyain nga talaga si Jake. Minsan napaka-tahimik nung room kasi pag hindi take, konting-konti ‘yung salita, konting-konti ‘yung sinasabi.”