TV

‘Chirika’ or ‘Chinikki’, sino ba ang perfect para kay Jake?

By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Tiyak na litong-lito na ang mga Kapuso televiewers kung sino ba kina Julie Anne San Jose (Nikki) at Bea Binene (Erika) ang tunay na ka-love team ni Kapuso cutie Jake Vargas (Chito) sa hit comedy series na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.

Talaga naman maganda ang bawat eksena ng tatlo at hindi na magkamayaw ang supporters ng mga love team na ‘Chirika’ (Chito at Erika) at Chinikki (Chito at Nikki).

Ni-reveal ng creative director at lead star ng Pepito na si Michael V kung saan ba nila nakuha ang inspiration na magkaroon ng dalawang love teams sa sitcom nila.

Aniya nakuha daw nila ang idea mula sa kanilang brainstormer na binase ang love triangle nila Chito, Nikki at Erika sa isang sikat na comic book.

Kuwento ni Michael, “Yung triangle na ‘yun ni Chito, Nikki at Erika, ang idea nanggaling dun sa isang brainstormer nstin, si Mike Unson. Fan siya kasi ng comic book na Archie.”

“Sa Archie nandun si Veronica, si Betty. Ang ganda, kinukuwento sa akin ni Mike. Napakagandang basahin ‘yung dynamics nung tatlong karakter na ‘to. So, naisip namin bakit hindi natin gawing ganun.”

Pag-amin ni Bitoy napakasarap daw isulat ng mga eksena ng tatlong bagets sa Pepito Manaloto kaya naman nakakaisip sila ng mga bagong storyline na paniguradong kakikiligan ng mga manonood.

“So ‘yung dalawang teams na ‘yun medyo nagkakaroon ng pagtatalo kung minsan pero dahil sa sarap isulat nung mga eksena nila at ‘yung mga scenarios nila parang ginaganahan kami lalo. Nagtutuloy-tuloy nadadagdagan ng nadadagdagan ‘yung istorya nilang tatlo.”

Nagpaliwanag din ang Kapuso comedian sa mga fans nila Jake at Bea na maaring nagagalit o napipikon kapag mayt eksena sina Jake at Asia’s Pop Sweetheart.

“Siguro mayroong mga fans ni Bea at ni Jake na medyo napipikon pagka nagdidikit si Chito at si Nikki. Ah... masanay na kayo (laughs).”

Last week, umamin si Jake Vargas sa isang panayam na may pinagdadaanan sila ni Bea ngayon.

Aniya, "Actually, last December pa, on the rocks na 'yung relationship namin. Kung sa tutuusin nga, ilang beses na ba kaming nag-break, tapos nagbati.”