TV

Hablahan Saturday sa 'Pepito Manaloto!'

By AEDRIANNE ACAR

I’ll see you in court!

Matitindi ang eksena sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento this Saturday (February 28). Masasagasaan ng kotse ni Pepito si Robert. Dahil dito todo ang alaga ng amo sa driver nito.

Pero ano naman ang plano nitong si Tommy at parang sinusulsulan pa si Robert para kasuhan sina Pepito para pagkakitaan ang disgrasya. Naku po! Tommy strikes again!



May bago namang tropa si Chito na si Aris, pero tila hindi niya ito magiging kasundo dahil bukod sa ubod ng yabang, pinupormahan pa ang kaibigan niyang si Nikki.

Ano kaya ang gagawin niya para hindi matuloy ang panliligaw ni Aris at ano ang matutuklusan ni Chito sa totoong pagkatao ng not-so-best friend niya?

Huwag ninyong papalampasin mga Kapuso ang episode natin ngayong Sabado dahil special guest nila Michael V at Manilyn Reynes ang most precious mommy ni Ikay sa More Than Words na si Ms. Jaclyn Jose.

Makikikulit din sina Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose, Glydel Mercado, Ricardo Cepeda, Mikoy Morales, Kiko Estrada at Jak Roberto.

Tutukan ang Pepito Manaloto, Ang Tunay Na Kuwento pagkatapos ng 24 Oras Weekend at bago ang Magpakailanman.