TV

'Pepito Manaloto' ladies kinilig nang makasama si Boss Yummy

By AEDRIANNE ACAR

Hindi napigilang kiligin ng mga Kapuso comediennes na sina Chariz Solomon at Mosang nang maka-eksena nila ang tinaguriang Boss Yummy na si Gabby Concepcion.

Ayon sa post ni Chariz kahapon, September 22, sa Instagram na sulit daw ang puyat at pagod nang ma-meet niya ang former matinee idol.

“My view this morning. Nasulit ang trapik, puyat, pagod, at paroo't parito. Naks!!!”

 

Ni-reveal naman ni Mosang na muli uli mapapanood si Gabby sa award-winning sitcom na ‘Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.’

Matatandaan na nag-guest si Gabby sa Saturday night comedy program noong nakaraang Hulyo.

 

More on PEPITO MANALOTO:

Michael V, bakit naging emosyonal nang mapanood ang episode ng 'Pepito Manaloto?'

'EXCLUSIVE: Ano ang payo ni Nova Villa sa tuwing mabubulol sa taping ang co-star nito na si Ronnie Henares?

Co-stars ni Arthur Solinap sa 'Pepito Manaloto' todo suporta sa kanyang engagement