TV

READ: Michael V excited na sa JaBea reunion sa 'Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento'

By AEDRIANNE ACAR

Ilang tulog na lang at mapapanood na ang inaabangan na JaBea reunion sa award-winning sitcom na Pepito Manaloto this coming June 24.

WATCH: Sweet reunion ng JaBea sa 'Pepito Manaloto' this June 24!

Dapat tutukan ng mga manonood ang pagkikita ng ex-lovers na sina Chito (Jake Vargas) at Erika (Bea Binene) na tiyak maraming mga Kapuso ang mapapa-throwback.  

Kahit ang Kapuso comedy genius na si Michael V, mayroon ni-reveal na eksena na dapat tutukan ng mga JaBea fans sa episode nila this weekend.

https://www.instagram.com/p/BVjnKp5H3hX/?taken-by=michaelbitoy

Masaya naman si Bea na muling nakapag-taping sa Pepito Manaloto na dating semi-regular sa comedy program.

Marami din ang hindi nakakaalam na good friend ng Kapuso primetime actress ang anak ni Bitoy na si Yanni Bunagan.

 

 

Bea Binene, super fan ng anak ni Michael V na si Yanni Bunagan

 

Huwag palampasin ang kilig overload na episode ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento Sabado ng gabi, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.