TV

EXCLUSIVE: Angel Satsumi, confident na bang bumanat ng punchlines sa 'Pepito Manaloto?'

By Aedrianne Acar

 

 

Six years na nagbibigay ngiti sa mga Kapuso televiewers ang cute na cute na si Angel Satsumi sa award-winning comedy program na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.

Si Angel ang gumaganap na bunsong anak nina Pepito at Elsa na si Clarissa. Sa exclusive sit-down interview ni Angel sa GMANetwork.com, nagkuwento ang Kapuso child star kung paano ang samahan nila ng cast sa taping.

Ani Angel, “Okay lang po. Masaya po, para lang po naglalaro parang di naman po kami nagti-taping, parang naglalaro lang po kami. Kasi po pag may homework po ako magpapaturo po ako kay Kuya Jake, kay Tita Manilyn, minsan po kay Tito Bitoy.”

Todo din ang suporta ng co-stars ni Angel, lalo na ang lead star at creative director nila na si Michael V na tinuturan siya sa kaniyang mga linya at nagpapalakas ng loob niya sa pagbanat ng punchlines sa kanyang mga eksena.

“Pag minsan po may linya ako na hindi ko magets tuturuan po ako ni Tito Bitoy ‘yung mapapabilis na linya. Tapos po minsan din po kung may maganda daw po akong punchline sabihin ko daw po.”

Kahit enjoy si Angel Satsumi sa ginagawa niya bilang artista, hindi pa rin nakakalimutan ng chikiting na mag-focus sa kaniyang pag-aaral.

Kasalukuyang nagho-home study ang Pepito Manaloto childstar. Kuwento niya, “Home study po ako. Tapos po iuuwi na lang po ‘yung mga modules sa bahay, tapos pagpasok sa school puro na lang po test.”

More on PEPITO MANALOTO:                               

'EXCLUSIVE: Ano ang masasabi ni Jessa Zaragoza sa rival program ng 'Pepito Manaloto'?

'EXCLUSIVE: Comedienne Mosang tinanggihan ang offer ng isang TV network para sa 'Pepito Manaloto'

EXCLUSIVE: Manilyn Reynes speaks up on the programs pitted against 'Pepito Manaloto'