TV

EXCLUSIVE: Mosang at John Feir, nagkakasakitan tuwing taping ng 'Pepito Manaloto'?

By Aedrianne Acar

Inaabangan tuwing Sabado ng gabi sa multi-awarded sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento ang tandem nina John Feir na gumaganap bilang Patrick at ang karakter ni Mosang na si Baby.

 

Talaga namang laugh-out-loud ang mga eksena ng dalawa na tinaguriang frenemies sa naturang show.

Sa one-on-one interview ng GMANetwork.com kay Mosang, nagkuwento siya kung paano sila nagpe-prepare ni John sa tuwing may eksena silang pisikalan sa taping.

Ani Mosang, “Yes we talk about it 'pag na sobrahan. Tawagan nga namin  ni John Feir ‘Mama.’ O kaya si John Feir ang stunt director ko, siya ang magsasabi ‘Oh, Ma, ganito gagawin mo, sige susunod lang ako.’”

Hindi rin daw makapaniwala ang magaling na comedienne na pumatok ang aso't pusa tandem nilang dalawa ni John Feir sa sitcom.

Wika niya, “Masaya kasi I did not expect that it will click at the same time, all of us. Actually, every character talagang tuwang-tuwa ako kasi walang naiiwan lahat nagma-marka, kaya sobrang thankful.”

Panghuli, nagpaabot naman ng pasasalamat si Mosang sa lahat na patuloy na tumatangkilik sa show na nagsisilbing inspirasyon para sa buong team.

“Sa lahat ng mga Kapuso natin maraming-maraming salamat po sa patuloy na pagtutok sa Pepito Manaloto. Kaya po ang inspirasyon namin kasi ang kuwento ng buhay ni Pepito Manaloto ay mga kuwento ninyo.”