TV

EXCLUSIVE: Janna Dominguez welcomes competition from rival programs of 'Pepito Manaloto'

By Aedrianne Acar

 

 

Going strong pa rin sa kanilang eighth year ang award-winning Kapuso sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.

Bihira na sa telebisyon ngayon ang magtagal nang ganito kahaba ang isang programa at tila mas lalo pang lumalakas at humahatak ng mga manonood ang Pepito Manaloto sa mga taong darating.

Sa one-on-one interview ng GMANetwork.com sa isa mga mainstay ng show na si Janna Dominguez, tinanong ito kung nakakaramdam pa rin ba sila ng pressure sa mga tinatapat na programa ng kabilang istasyon sa Pepito Manaloto.

Pag-amin ni Janna, “Actually, hindi kasi healthy competition siya eh. 'Yung sa amin kasi ginagawa lang talaga namin ‘yung tama, ‘yung totoo. Kasi, base sa totoong buhay alam mo ‘yun mostly sa naging istorya namin for 200 plus episodes from Book Two ha wala pa ‘yung Book One. Base sa naging buhay ko, sa naging experience ko, sa naging experience ni Kuya John (Feir). ‘Yung nangyari sa ganito, sa nanay ni ganiyan. Kaya alam mo ‘yung mas nakaka-relate siya.

“Pero hindi naman para sa sabihin na ikumpara ‘yung show to show kasi siyempre kaniya-kaniya rin.”

Wala din makakatalo sa on-screen chemistry ng mga cast members na subok na sa pagpapatawa.

Pinatotohanan ni Janna na ang susi sa chemistry nila sa TV ay ang malalim nilang pagsasamahan na halos pamilya na ang turingan.

“Iba 'pag in-establish mo, 'tsaka ginusto mo na makilala mo ‘yung mga katrabaho mo. Hindi lang mga katrabaho, mga kapatid mo na eh. Kasi, kuya, ate, ninong ng mga anak ko alam mo ‘yun. Iba rin kasi ‘yung ganun."