TV

WATCH: Sabado ng lihim sa 'Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento'

By Aedrianne Acar

Magdududa si Elsa kay Pepito, dahil tila may tinatagong sikreto ito  sa kaniya. Paano kung malaman nito na may katatagpuin ang milyonaryo niyang asawa na isang seksing babae sa isang hotel?

May himala! Si Tommy may legal ng trabaho, magtuloy-tuloy na kaya ang pagbabago ng tusong si Tommy o bumalik pa rin siya sa dating niyang gawi?

Oras na para tumawa at makisaya sa milyonaryong pamilya ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng 24 Oras Weekend.