TV

WATCH: Makakapagtapos ba sa kolehiyo si Chito Manoloto?

By Aedrianne Acar


Ramdam ang excitement ng bida nating milyonaryo na si Pepito (Michael V) at si Elsa (Manilyn Reynes) sa pagtatapos sa kolehiyo ng panganay nilang anak na si Chito (Jake Vargas).

Kaso, malalaman ng guwapong binata na hindi niya natapos ang requirement sa P.E. class at hindi makakasama sa graduation rites.

Masabi kaya ni Chito ang buong katotohanan sa kaniyang mga magulang?

Non-stop na tawanan na naman ang naghihintay sa inyo mga Kapuso sa multi-awarded sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento this May 26 pagkatapos ng 24 Oras Weekend.