TV

Pepito Manaloto: May bagong boss sa kumpanya at tahanan ng mga Manaloto?

By Aedrianne Acar

Napanood n'yo ba mga Kapuso ang pagbabalik sa Pepito Manaloto ng versatile actress na si Jean Garcia last Saturday?

Muling ginampanan ni Jean ang karakter niya bilang social climber na si Karen sa multi-awarded sitcom ng GMA-7.

Matiis kaya ng mga kasambahay at empleyado ni Pepito ang user friendly na si Karen na kung umasta ay boss?

Muling matawa sa mga funny hirit ng Kapuso comedy program na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento sa episode nito last October 13.