TV

Pepito Manaloto: Trouble in the Manaloto home

Mag-ingat sa birong binibitawan!

Magiging mitsa ng tampuhan sa pagitan ng Manaloto couple nang matawa si Elsa nang sabihang 'ander de saya' si Pitoy ng kliyente niya na si Mr. Espiritu.

Tuluyan na bang masisira ang relasyon nina Elsa at Pepito o may chance pa para manumbalik ang sweetness nila sa isa't isa?

Bawal um-absent this Saturday night, dahil mapupuno ng aral at tawanan ang mga gabi ninyo sa panonood ng Pepito Manaloto: Ang Tunay Na Kuwento this November 17 pagkatapos ng 24 Oras Weekend.