TV

Pepito Manaloto: Nursing a broken heart

Hindi na ba magiging sawi sa pag-ibig si Chito Manaloto (Jake Vargas) sa darating na Valentine's Day?

Jake Vargas

Ito ang misyon ni Elsa (Manilyn Reynes) na matulungan ang guwapo niyang anak na maka-move on sa breakup nila ni Nikki (Julie Anne San Jose).

Pero ready na ba ang binata para umibig muli?

Tuloy ang tawanan kasama ang buong pamilya ni Pitoy dahil special guest ang Kapuso drama actress na si Inah de Belen this coming January 26.

Huwag papahuli sa nakaka-relax at puno ng aral na episode na handog ng Pepito Manaloto: Ang Tunay Na Kuwento tuwing Sabado ng gabi bago ang Daddy's Gurl!