TV

Bagong amo ni Maria | Teaser Ep. 334

By Aedrianne Acar

Walang lihim na hindi mabubunyag ngayong Sabado sa isa namang kuwelang episode ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.

Ano ang sikreto na tinatago ng kasamabahay ni Pepito (Michael V) na si Maria (Janna Dominguez) na palaging wala sa mansyon?

Matuklasan kaya nila Baby (Mosang) at Robert (Arthur Solinap) ang tunay na dahilan kung bakit pumupunta si Maria sa misteryosong kapitbahay nila na si Aling Gloria (Gina Pareño).

Ang yaman ng Manaloto family

Gusto na ba ni Maria na umalis sa tahanan ng mga Manaloto at maghanap ng bagong amo?

Unli-tawanan na naman ang handog ng pamilya nina Pitoy at Elsa lalo na at makakasama nila sa isang kapana-panabik na episode ang versatile actress na si Ms. Gina Pareño!

Huwag papahuli sa laugh-out-loud moments sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento this March 2 pagkatapos ng 24 Oras Weekend at bago ang Daddy's Gurl.