TV

Bataan adventure ng mga Manaloto | Teaser Ep. 340

By Aedrianne Acar

Huwag maging aburido sa init na dala ng summer, mga Kapuso. Samahan ang pamilya ng paborito ninyong milyonaryo na si Pepito Manaloto (Michael V) sa summertastic adventure nila sa Bataan!

Maging successful kaya ang pagtulong ng mga empleyado ni Pitoy sa napabayaang resort ni Daisy (Katya Santos)?

Posible din kayang may mabuong magandang pagtitinginan sa pagitan nina Chito (Jake Vargas) at eldest daughter ni Daisy na si Jasmine? Will Chito find love this time around?

Relaxing weekend ang naghihintay sa inyo sa pagtutok sa unli-tawanan ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento this April 13 pagkatapos ng 24 Oras Weekend.