TV

Mimi, bitter kay Nina? | Teaser Ep. 343

By Aedrianne Acar

Walang patid ang tawanan sa episode ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento ngayong Sabado ng gabi!

Magkaroon kaya ng lamat ang magandang relasyon ng magkapitbahay na sina Elsa (Manilyn Reynes) at Mimi (Nova Villa)?

Makakaramdam kasi ng selos si Mimi kay Nina, ang bagong business partner ni Elsa sa ipapatayo nitong bakeshop.

Goodbye na ba sa good neighbors na sina Mimi at Elsa?

Bawal maging bitter this weekend dahil puno ng good vibes at aral ang kuwento ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento this May 11, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.