TV

ChiNikki back together? | Teaser Ep. 344

By Aedrianne Acar

Makakaasa kayo sa unli-tawanan at kilig sa nangungunang Kapuso sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento this weekend.

Yayamaning buhay ni Pepito Manaloto

Puno ng sweetness ang kuwento natin this Saturday night, dahil tampok ang ex girlfriend ni Chito (Jake Vargas) na si Nikki (Julie Anne San Jose)!

LOOK: Manilyn Reynes, proud sa mga anak niya sa 'Pepito Manaloto'

Mangyayari na ba ang hinhintay natin balikan ng dalawa o mapurnada?

Eeksena sa ChiNikki ang teleserye actress na si Malou Gallego (Inah De Belen) na bida sa patok na series na 'Dragon Nia.'

Ano ang magiging reaksyon ni Nikki kapag nahuli sa isang video blog na magkasama ang kaniyang dating jowa at si Malou?

Relaxing weekend ang naghihintay sa inyo kapag tumutok sa multi-awarded comedy show na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento bago ang funny duo nina Vic Sotto at Maine Mendoza sa Daddy's Gurl.