TV

May magaganap na lipatan sa 'Pepito Manaloto' | Teaser Ep. 345

By Aedrianne Acar

Iwasan ang stress this weekend kasama ang buong pamilya ni Pepito this Saturday!

READ: Michael V, kinonsulta ang creative team ng 'Pepito Manaloto' para mabuo ang kuwento ng 'Family History'

May mangyayaring malaking lipatan sa Pepito Manaloto.

Saan lilipat ang mga empleyado ni Pitoy (Michael V) sa PM Mineral Water habang may pest problem ang kanilang opisina?

Maging ideal kaya na magtrabaho muna sila sa mansyon ni Pepito o magdudulot lang ito ng malaking problema?

Ibang level din si Roxy (Mikoy Morales) na may bagong condominium unit. Maging happy kaya siya sa new home niya kahit may weird siyang kasambahay na si Mary (Devon Seron) na puro galunggong lang ang niluluto?

Gawing family bonding tuwing Sabado ang panonood ng puno ng aral na episode ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento this May 25, bago ang Daddy's Gurl.