TV

Krisis sa tubig! | Teaser Ep. 347

By Aedrianne Acar

May nangangamoy na problema sa village ni Pepito (Michael V.).

Matinding krisis sa tubig ang kinakaharap ng Woodland Hills kung saan nakatira ang Manaloto family.

Kahit ano'ng tipid nina Pepito at Elsa (Manilyn Reynes), hirap pa rin sila.

May magawa kaya ang Homeowners Association President na si Tommy (Ronnie Henares) para matulungan ang kanyang mga kapitbahay o maisipan na naman nito na pagkaperahan ang krisis na ito?

Kung relaxing weekend ang hanap n'yo, mga Kapuso, tumutok sa award-winning sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay Na Kuwento this June 8 pagkatapos ng 24 Oras Weekend.