TV

May hatid bang delubyo ang driver ni Pepito? | Teaser Ep. 362

By Aedrianne Acar

Magkakasakit si Robert (Arthur Solinap) matapos mabasa ng ulan.

Dahil dito, kakailanganin muna ni Pepito (Michael V.) na maghanap ng temporary driver.

The extraordinary luck of Pepito Manaloto

Umamin sa hiwalayan | Ep. 361

Ano kaya ang magyayari sa buhay ng paborito nating milyonaryo kung ang tusong si Tommy (Ronnie Henares) ang magiging driver niya pansamantala?

Magiging maayos kaya ang biyahe kasama si “Pepito my friend?"

Heto ang unang silip sa episode ng multi-awarded sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento sa darating na Sabado ng gabi, September 21, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.