TV

Manilyn Reynes, walang pagsidlan ang tuwa sa mataas na ratings ng 'Pepito Manaloto' noong Pebrero!

By Aedrianne Acar

Muling pinatunayan ng award-winning Kapuso sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento na sila ang naghahari sa Saturday primetime nang talunin nila ang mga karibal nilang programa sa buong buwan ng Pebrero.

'Pepito Manaloto' rules Saturday primetime in February!

Kaya naman walang pagsidlan ang tuwa ng isa sa lead stars nito na si Manilyn Reynes. Sinuklian kasi ng kanilang loyal supporters ang lahat ng efforts nila para pagandahin ang kanilang episode linggo-linggo.

“Sa inyong lahat po, na walang sawang sumusuporta sa Pepito Manaloto, thank you very much!!!Pepito Manaloto, SABADO ng alas -6 ng GABI, sa ating nag-i-isang Kapuso Network, GMA 7,” pahayag ng tinaguriang Star of the New Decade noong '90s.

Makakaasa kayo na tuloy-tuloy ang pagbibigay ng good vibes ng buong cast ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento tuwing Sabado ng gabi, pagkatapos ng 24 Oras Weekend!