TV

Empleyado ng PM Mineral Water, rarampa sa isang fashion show | Teaser

By Aedrianne Acar

Excited na ang mga empleyado ni Pepito (Michael V.) sa PM Mineral Water dahil isang fashion show ang ini-sponsor-an ng kanilang kumpanya.

Maka-rampa kaya silang lahat o mai-stress lang sa sunod-sunod na sabit ng naturang fashion event?

Enjoy ang Saturday night ninyo dahil tumawa ka na, natuto ka pa sa panonood ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento this May 2 pagkatapos ng 24 Oras Weekend.